ang sarap ng simoy ng hangin! ang sarap ng lamig! ang sarap mabuhay!
kung wala lang akong mga kailangan panagutang mga bagay mas masarap sana.
pwede bang tumanga na lang at humiga sa kama habang umiihip ang hanging malamig?
lalo na kung kayakap ko lang ang pinakamamahal ko... wala nang hahanapin pa!
ayun.. patawad. nangingibabaw ang puso pag nagulantang ng puyat ang utak.
asteeeg. ayus ang bago kong buhok! salamat kay wynna! magugulo ko na ng maayos ang buhok ko! haha! kaya ayun, pinagtripan ko, ngayong araw binagayan ko ang buhok ko ng pormang mala-queer eye! haha! trip lang! pero in fairness, bagay daw. haha! oo na banidoso! ang paborito kong kasalanan sa pito. hehehe
wala talagang balak patunguhan ang sulating ito. inilalabas ko lang ang mga nasa utak ko.. para lang mailabas..
ang sarap magpakatanga. kahit ngyong linggo lang. pwede kaya? katatapos ko lang ng dalawang malupit na exams sa major ko! magkasunod na araw. pareho naming pinagpuyatan. sa kabutihang palad ay nasagutan namin ang exam. sadyang napaghandaan! ang sarap maging handa sa isang mahirap na exam! handang handa kami noon! kumbaga sa patalim ay bagong hasa! kumbaga sa uling ay nagbabaga! kumbaga sa tilapia'y matinik! kumbaga sa pipi'y walang sinabi! haha! private joke namin ng study group. sorry.
inaamag na pala ang tagalog ko. naisip ko lang ngayon, nung kausap ko si lynn sa YM, nauubusan na din ako! wah! bwiset! ang ganda ng analogy ni nika sa edukasyon. isang pabula na tungkol sa kung pano matuto at ang kasamaan ng akademikang edukasyon sa likas na galing mo sa ibang larangan.
isang bibe ang kabilang sa isang klase ng iba't ibang hayop. tinuturuan silang lumangoy, lumipad at tumakbo. magaling ang bibe lumipad, lalo pa kung lumangoy! sa klase'y ang bibe ang pinakamagaling lumangoy, daig pa ang guro! subalit sa pagtakbo nama'y huli, mabagal! minabuti ngayon ng guro na ipatigil na siya sa pagsasanay sa paglangoy, magaling na siya dun e. tinutukan na lang nila ang pagtakbo! hinasa siya ng guro sa pagtakbo! sa kinalauna'y gumaling nga siya! natuwa na ang guro. subalit nung bumalik siya sa tubigan ay nasira na pala ang 'webbed' feet ng bibe at di na makalangoy ng maayos!
dapat tutukan ang natural na galing ng tao. iniisip ko tuloy, kaya ba pumapalya na ang aking kakayanang magsulat ay dahil sa ilang taon ko nang ginugugol sa pagpapakadalubhasa sa larangan ng inhinyera? marahil hindi! pero baka oo. hindi kaya't ibang kagalingan ko ang di ko napansing nasira dahil sa mga napili kong pagtuunan ng pansin? ni hindi ko naman talaga nakilala ang aking natural na kagalingan. pumasok ako agad sa kolehiyo na hindi alam ang aking kalakasan. pero sa tingin ko may butas ang pabula. kung ano hindi ko alam. kung wala naman ay idealistiko ang kwento, pag-inilagay sa kontexto ng tunay na buhay ay madaming detalye o mga bagay na makakaapekto sa kalalabasan ng lahat ng bagay. baka dun may sabit ang kwento.
ewan ko. huli na ang lahat para pagmunimunihan ang ganyan. kung ginagawa ko na lang ba lahat ng kailangan ko gawin e di masaya. makakatapos ako at magagawa na ang gusto ko!
pero teka.
bakit ba antagal pa ng hihintayin bago magawa ang gusto mo?! di ba sayang ang buhay?? naalala ko na may nagforward sa tatay ko ng text na sinasabing: tatlo lang ang baitang sa buhay ng isang tao.
una, may sapat kang lakas, at oras, subalit walang pera
pangalawa, may pera ka at lakas, subali't walang oras
panghuli, may pera ka at oras, subalit wala kang lakas
tangina ayoko ng ganun! di ba magkakasabaysabay yun?! ayoko tanggapin pero ganun nga ang nangyayari sa atin! o baka dito lang sa pilipinas kaya walang lumiligaya!
kolehiyo ka, unang baitang. tapos magtatrabaho ka, ikalawang baitang. tapos pagtanda mo, retirement, ikatlong baitang. ubos na ang buhay mo!
karimarimarim naman kung ang buhay ay ganun lang. ano pa 'tong pinaghahandaan ko kung ganoon? di ko ba inaaksaya ang iilang makabuluhang sandali ko sa mundong ibabaw?
nalingat ako. may nagpakitang daga sa akin. at alam niyang walang makakatakas sa bangis ng aking kwarenta y singko... na pellet gun.. kinorner ko sa banyo at pinaputukan. lima lang ang bala ng baril ko. napatay ko sa tatlo! at minercy shot ko pa ng isa para sigurado. isa nanamang daga ang nabawas sa dati'y maaliwalas naming tahanan. kung bakit dinadaga ay hindi ko alam.
nagsawa na ko magsulat. aba, mahaba na pala. sige, tatapusin ko na dito itong sanaysay na walang saysay.